Chapter 1: Ang Babaeng Nakasuot ng Dilaw na T-Shirt

Si Maria "Mar" Roxas ang ultimate crush ni Rody. Hindi lang ultimate crush. Penultimate crush din. Atsaka kung ano man ang tawag dun sa third place. Sino nga naman ang hindi magkakagusto sa chinitang graphic artist ng Pinoy Star Printing Press. Maganda, may kalog na sense of humor, at ang balita pa niya, wala nang mga magulang at nakatira lang sa ate. Ibig sabihin hindi niya kailangang makisama sa mga in-laws pag nagkatuluyan sila. Ang hindi lang niya alam ay kung bakit kailangan pang magtrabaho ni Maria, dahil ang balita niya ay mayaman ang angkan nito at kayang-kayang magtayo ng sariling Printing Press.

Pero malayo sa isip ni Rody ang usapang financial, lalo na ngayon at chapter 1 pa lang. Masyado pang maaga para magpasok ng conflict lalo na kung tungkol sa pera. Boring na subject ang pera, nasa isip ni Rody. Masarap lang ang pera, pag pinambibili ng mga bagay. Kagaya ng panregalo sa birthday. Birthday ni Rody ngayon.

Nasa isip ni Rody, pabirthday na niya sa sarili ang pag ipon ng lakas ng loob at paglapit kay Mar. Siyempre, bago ang happy ending dapat meron munang perfect beginning. Ito na ang tamang pagkakataon. Mga trenta minutos na siyang nakatambay sa bench sa tapat ng Pinoy Star. Sinama pa niya ang katropa niyang si Jojo, para may resbak ika nga.

Hindi naman sa nang iinsulto ng tao, pero si Jojo ay mukhang banana cue na nasunog at nginatngat ng daga. Alam ni Rody na hindi man siya kagwapuhan, kapag katabi niya si Jojo ay nagmimistula siyang isang SEX GOD. Yung klase ng sex god na may abs at may boses na kasing lalim ng mangkok na nakabaon sa ilalim ng Indian Ocean.

"Alam mo na ba gagawin mo paglapit don, pare?" tanong ni Jojo kay Rody. "Baka naman mautal-utal ka na naman at bigla na lang magtatakbo palayo kagaya ng nangyari nung sinubukan mong dumiga kay Miriam."

"Una sa lahat, pare, wag mo na i-bring up ang past," sagot ni Rody . "magagamit ko pa yon para sa sequel."

"Pangalawa, mas confident na ko ngayon. Nagbago na ko, at hindi lang basta pagbabago. Ito ang tunay na pagbabago."

Pero bago lumapit, napaisip si Rody. Totoo ngang wala pa siyang plano. Ang nasa isip pa lang niya ay lumapit don at ipakilala ang sarili kay Mar. "Hi, ako nga pala si Rodrigo. I'm a fan."

Bukod dun sa mga salitang yon, wala pa siyang naiisip. Hindi pa buo ang plataporma niya.

"I-Off panel mo na lang, pare," advise ni Jojo.

"Anong off-panel?"

"Off-panel, tol, yun ginagawa sa mga comic books kapag tinatamad yung author at gusto lang niyang paandaring ang narrative. Resulta lang ipapakita, bahala na ang readers mag isip kung ano nangyari. Mas powerful usually ang scenes pag off panel, dahil mas effective ang imahinasyon ng readers keysa sa kung ano mang visual elements ang gagamitin ng artist at author."

Maganda ang ideya ni Jojo, pero walang off-panel-off-panel sa pag ibig ni Rody. Ang tunay na pag-ibig, pinaparamdam at pinapaalala ng buong-buo, puno ng detalye. Walang nakakaligtaan, gaano man kaliit na bagay – mula sa pinakainconsequential na "Hellos" hanggang sa mga makadurog pusong "Goodbyes," ang relationship ay binubuo ng walang shortcuts. Inipon ni Rody lahat ng pag asa at lakas ng loob na kinikimkim niya, sinenyasan si Jojo, at taimtim na naglakad palapit sa Printing Press.

Makalipas ang ilang minuto, humahangos palabas ng printing press si Rody at si Jojo.

"Walanghiya ka talaga pare, nakakahiya yung ginawa mo," sambit ni Jojo. "bakit ka nagsuka sa harapan ni Mar?"

"E malay ko ba, sa kinabahan ako e!" sagot ni Rody. "Paano na tayo ngayon?"

"Simple lang ang solusyon, pare. TIMESKIP!" sagot uli ni Jojo.

"Timeskip, ano naman yon?"

"Timeskip, kaparehas ng principle ng off-panel, pare" eksplika ni Jojo. "Pag tinatamad ka na gumawa ng maraming chapter para iabanteyung plot at ipakita ang character growth. Iskip mo na lang yung mga part naiyon at dumiretso ka sa storya kung saan nag grow or nagbago na yung mgacharacters. Powerful din siya, pare, kasi nasa imahinasyon din ng readersnakadepende kung ano nangyari during the timeskip."

|Ayoko nang magbasa. Ang gusto ko lang, kumain ng atay ni Carla Abellana. Ibalik mo na ko sa homepage.

|

|Grabe, parang Shake Rattle and Roll pero romance genre. Pabasa nung sunod na chapter

|