Semputin mo ang CEO
A romance novel by Neilencio

Naglalaho na lang ba ang mga tao ng walang dahilan? Wala namang celphone si Mar at kung mayroon man, malaki ang posibilidad na maiwan niya ito kung saan. Napagkasunduan na lang nilang dalawa ni Rody ang isang diary na puno ng mga sulat ng mga paalala kung saan sila dapat magkita at kung kailan. Isan-daang pahina ang pinagtyagaan nilang isulat. Hindi na sila nagsayang ng oras para sa eksplanasyon kung bakit nila kailangang magkita, makakagulo lang sa pag iisip ni Mar. Basta kailangan nilang magkita.

Mga tatlumpung minuto na ring naghihintay si Rody sa tapat ng coffee shop. Ni hindi siya pumapasok, ni hindi niya ibinababa ang dala niyang bag. Nakatayo lang siya sa tapat ng pinto, pinagmamasdan ang mukha ng lahat ng mga dumadaan. Hindi niya pa alam kung ano ang gagawin niya pag nakita niya si Mar. Basta ang alam niya, hindi niya hahayaan magkaroon pa ng aberya ang kanilang muling pagkikita. Natatakot siya; paano kung dumating nga si Mar, pero nakalimutan niya kung kanino makikipagkita, o kung bakit siya napadpad sa harap ng coffee shop.

Bawat segundo na dumadaan ay mas lalong kinakabahan si Rody. Limang taon siyang umasa na magkikita silang muli ng iniirog. Naiintindihan niya si Mar kung bakit pinili nitong maglaho ng walang paalam, at balewala lahat ng iyon pag nagkita silang muli. Hindi siya umaasa ng kung ano pa man. Sa kalagayan nila ngayon, sapat na sa kaniya ang makitang muli ang mukha ng tanging babae na nagpatibok ng kanyang puso.

|Anong kabaduyan to? Ibalik mo na ko sa Homepage|

|Wow ang ganda, parang sequel ng meteor garden pero may bold. Pabasa ng continuation!|