Picture ng babae


wow babae!

Di ko kilala yang nasa picture. Nakita ko lang sa image folder ng ginagawa kong website para sa trabaho. Kamukha sya nung teacher ko dati nung college sa programming. Di ko alam kung asan na yung teacher kong yon. Hindi ako kagaya ng iba dyan na walang ginawa sa facebook kundi mang-stalk ng mga dati nilang crush. Hindi ko kailangang mang-stalk ng mga dating crush sa facebook. Sa LinkedIn pwede pa. Dahil kapag ako nang-stalk, may pagka-professional ang dating.

Wala na kong gaanong natatandaan sa mga tinuro ng dati kong teacher sa programming, ang natatandaan ko lang paborito kong subject noon ang programming. Natatandaan ko pa rin pangalan nung teacher, pero kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na hanapin siya sa Facebook. Baka nga hindi ko na siya makita kung hanapin ko man, kasi Lindberg na ang apelyido dahil nag asawa na at mayroon na siyang tatlong anak. Nakatira sila ngayon sa San Diego, California. Mukhang masaya naman sila.

May isa pala akong natatandaan sa Programming subject ko non. PrintF.

Bumalik sa homepage at mang-stalk ng dating crush