Chapter 3: Isubo mo ang Biko
Madalas na ginagawang tambayan nina Mar at Rody ang coffee shop malapit sa Pinoy Star Printing Press.The Forum ang pangalan. Walking distance lang kasi, at kung nagmamadali silang dalawa ay pwede pa nilang gawing running distance. Kilala na rin sila duon dahil si Mar ay isang big spender, habang si Rody ay big lang, at paminsan-minsang nagiging spender.
Isang maambon na Sabado kung saan maagang nag-uwian sa printing press, napagpasyahan nina Mar at Rody na tumambay muna sa The Forum para magkwentuhan. Kung ano-ano lang naman ang pinagkukuwentuhan nila lagi. Mula sa putik, hanggang sa mga bituin. Tsaka everything inbetween. Nung araw na iyon, nabaling ang usapan nila sa makisig, gwapo, at panira ng diskarteng si Dick.
Ang kwento ni Mar, ang kasama ni Dick sa bahay niya bukod sa kasambahay at tita ay ang apat na taong gulang na pamangkin. Dick din ang pangalan.
"Dick din pangalan nung bata?" tanong ni Rody.
"Oo." sagot ni Mar.
"Hindi ba sila nagkakalituhan?"
"Hindi naman." pinaliwanag ni Mar na naiiwasan ang kalituhan sa dalawang Dick dahil magkaiba ang tawag sa kanila ng mga kasama sa bahay.
"Ano tawag kay Dick?" tanong ulit ni Rody.
"Dick lang."
"E dun sa pamangkin niya?"
"Maliit na Dick."
----------------
Mula sa mga Dicks, hindi naiwasan ni Rody na medyo magselos at mag-ungkat. Kung madalas bang dumalaw si Mar sa bahay ni Dick etsetera. Hindi naman daw, sabi ni Mar. Saka lalo ngayon. Hindi na talaga siya napapadaan. Because life happens and all that shiz. Saka kung ano man yung nasa lyrics ng "Angels or Devils" ng Dishwalla.
Tinanong din ni Rody kung ano naman usually ginagawa ni Mar sa bahay ni Dick. Wala lang daw - nakikipagkwentuhan sa tita ni Dick, nakikikain, at nilalaro yung Maliit na Dick. Wala namang specific na mga pangyayari na special at worth it ikwento pagdating sa bahay ng mga Dicks. Except yung one time na may naligaw na sawa sa loob ng bahay.
Ayon sa kwento ni Mar, dahil magubat ang likuran ng bahay ni Dick, hindi maiiwasan na may mga hayop na naliligaw sa bakuran nila at minsan ay nakakapasok pa sa bahay. One time, habang papasok sya ng gate ng bahay nila Dick, nakita niya ang tita, ang kasambahay at si Dick na humahangos palabas ng bahay habang bitbit yung maliit na Dick. Namumutla sila parehas. Kasi may nakapasok daw na sawa sa loob, malaki.
"Gaano kalaki?" tanong ni Mar.
"Singlaki daw ng kamao ni Dick." sagot ng tita.
Nagulat si Mar at medyo natakot. Malaki nga naman kasi ang kamao ni Dick. Walang nakakaalam kung pinaglihi ba sa Orc ang binata, pero taglay nya ang napakalaking mga kamao. Yung tipong pag sinuntok ka, pati yung katabi mo magkakaroon ng black eye. Kung ibabase sa kamao ni Dick ang size nung ulo ng sawa, hindi malayong isipin na kayang-kaya nitong manlingkis ng tao, at posible rin na kaya nitong lulunin lahat ng Dicks sa bahay. Kaya nagtawag na lang sila ng mga kapitbahay na tutulong para manghuli.
Sa awa ng diyos, may tatlong tambay na nagvolunteer. Interesado silang gawing pulutan yung ga-higanteng sawa, tapos gagamitin daw nila yung balat para makagawa ng tatlong pares ng sapatos.
Kaso nga lang, nung nahuli na nila yung sawa ay nadisappoint lang sila. Maliit lang pala. Pwedeng pampulutan pero bitin pa. Saka sapatos lang ng baby ang magagawa nila dun sa balat.
"Akala ko ba malaki yung sawa, tita?!" tanong nung isang tambay sa tita ni Dick.
"Oo nga tita, ano ba naman yan." dagdag na reklamo nung pangalawang tambay. "You're always making us paasa."
"Ewan ko ba." sabi ni tita. "Hindi ko rin naman nakita. Sabi lang ni Dick singlaki daw ng kamao e."
"Hindi ko rin naman nakita." pag-eexplain ni Dick. "sabi lang nung maliit na Dick na singlaki daw ng kamao niya."
|Kung sa Highlander ay there can only B1, sa Bananas in Pajamas bakit may B2?
|
|Meron pa bang susunod na chapter? Sabi ng CDC yung chapter 4 daw ang makakalutas ng pandemya.
|