Hulk Hogan



Si Hulk Hogan ang isa sa mga pinakaunang wrestlers na napanuod at naging paborito ko. Narating niya ang tugatog ng tagumpay dahil lahat ng mga nakalaban nya, bobo. Tanggap naman nating lahat na kapag wrestler ka, di mo kailangan maging degree holder pero yung mga nakalaban ni Hulk Hogan, sobrang bobo. Kahit kailan hindi nila natutunan ang lesson na kapag nakita mo si Hulk na naglalakad paikot-ikot sa ring at nanginginig, pwede mo mo syang barilin, paluin ng tubo sa mukha, saksakin ng paulit-ulit, o pitikin sa balls pero putangina huwag na huwag mo syang susuntukin. Dahil kapag sinuntok mo si Hulk Hogan, bigla ka nyang ituturo TAPOS WALA NA FINISH NA. Ihahagis ka nya sa ropes tapos pagbalik mo tatadyakan ka sa mukha tapos ibabagsak nya sa iyo yung paa nya. Ang tawag nila don, Atomic Leg Drop dahil pag nabagsakan ka, walang matitira sa iyo kundi atoms.


The Heartbreak Kid Shawn Michaels



Si Heartbreak Kid Shawn Michaels ang sunod na paborito ko nung lumipat na ng kumpanya si Hulk Hogan. Tinawag syang Heartbreak Kid dahil kaya nyang saktan ang puso mo, na sobrang nakakahanga dahil kaya na nyang manakit ng puso kahit na kid pa lang sya. Maski nung tumanda sya, Heartbreak Kid pa rin sya, ibig sabihin isa syang kid at heart.

Hindi kalakihan si Shawn Michaels kumpara sa ibang mga wrestlers na kasabayan niya, pero maliksi sya at mabilis. Saka mukha syang male prostitute, kaya may intimidation factor. Pag niyakap na niya yung mga kalaban niya, hindi sila nakakalaban ng maigi dahil hindi nila alam kung masisiyahan ba sila dahil guwapo yung yumayakap, o matatakot dahil ipinagbabawal ng batas ang ma-attract sa isang kid.


Dynamite Kid



Hindi kalakihang tao si Dynamite Kid, pero gaya nga ng sinasabi ng pangalan niya, isa siyang dynamite sa loob ng ring. Marami syang pasabog kaya pwede na syang host sa It's Showtime.



Bret the Hitman Hart



Tinatawag syang Hitman at "the Excellence of Execution" dahil pulido lahat ng moves nya. Swabeng-swabe at smooth na smooth. Siya ang original hokage, pero hindi sya bastusin. Sikat na sikat sya nung 80s at 90s, pero kalaunan ay hindi na sya gaanong makafunction dahil hinahunting na ang mga hitmen gaya ng Alex Bongcayao Brigade, saka inabolish na ang death penalty sa Philippines kaya hindi na sya makapag Execution. Excellence na lang sya ngayon.


Sting



Mula sa karibal na promotion ng WWF (Wrestling Wrestling Federation), isa sa mga pinakapopular na wrestlers ay si Sting. May pintura sya sa mukha, saka dilaw ang buhok. Minsan nagsusuot din sya ng green, pero pag ginagawa nya yun, nag iiba na ang kanyang tingin kasi nagbago na ang lahat sa kanya.

Gusto ko rin ang wrestler na si Sting dahil sumasideline sya bilang member ng The Police. Dagdag intimidation factor din yon kapag ang kalaban mo pulis. Lalo na kung ikaw yung tipo ng wrestler na na-attract kay Shawn Michaels kasi bawal sa batas yun.


Million Dollar Man


Bagama't talented at may itsura, ang totoong selling point niya ay marami syang pera. Ibig sabihin sya ang wrestling equivalent ni Heart Evangelista.


Mr. Perfect



Pag may nakikita ka sa Facebook na mga nagsheshare ng quotes kung saan sinasabi nilang "Nobody is Perfect," I-block at ireport mo kaagad dahil nagsheshare sila ng misinformation. Sa wrestling, merong Mr. Perfect.


Big Daddy Cool Diesel



Gustong gusto ng mga tao ang wrestler na si Diesel dahil nakakapagpatakbo sya ng trak. Hindi na sya hinahire ng wrestling companies ngayon dahil nagmahal na ang Diesel.


Undertaker



Paano mo papatayin ang matagal nang patay? Yan ang palaging iniiisip ng mga nakakalaban ni Undertaker. Isa syang zombie, pero hindi yung klase ng mga zombie na mabagal at walang gustong gawin kundi kumain ng brains. Siya yung klase ng zombie na mabilis, parang sa 28 Days Later, saka may magic powers. Kahit ilang beses pabagsakin ng kalaban, tumatayo ulit. Pag ipinasok mo sya sa school malamang mapapagalitan sya ng teacher at laging masasali sa listahan ng Standing.



Earthquake



True story: nung nabubuhay pa si Earthquake, may asawa siyang Filipina tapos may bahay sila malapit sa min. Paboritong hobby ng mga kabataan dito na pindutin yung doorbell nila tapos takbo. One time, yung isang kalaro ko nahuli tapos nagkabaranggayan hanggang sa magsuntukan si Earthquake at yung tatay ng kalaro ko. Malaking tao rin yung tatay ng kalaro ko kaya medyo nagkapisikalan talaga to the point na nahubaran ng short si Earthquake. Kapag ako sumikat at nagkaroon ng autobiography, gusto ko ma-imention din na nakita ko na yung pwet ni Earthquake.


Are you ready to RUMBLES? Pag hindi pa, bumalik ka muna sa homepage.