Neilencio's Top 10 Favorite Games
10. Battlefield Hardline - sa tagalog, Matigas na Guhit sa Kabukiran. Isa itong first person shooter. Ibig sabihin, ang goal ng laro ay babarilin mo ang first person na makikita mo. Maganda itong outlet para sa mga tao na nagkikimkim ng galit, lalo na yung mga matagal nang matigas ang guhit tapos nakatira sila sa bukid. Pagkatapos mong maglaro, maaari ka nang magsaka sa bukid ng magaan ang kalooban.
9. Super Mario 64 - isa sa pinaka successful na game francises ang Super Mario Bros. ng Nintendo. Sa sobrang successful, umabot na siya ng pang 64th installment. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na malalaro mo si Mario in 3 Dimensions!!!!!ON##@$@#$E!!. Pero mukhang hindi naging successful ang larong ito, dahil hindi na sila naglabas ng Super Mario 65. Ang sunod na laro dito ay pinamagatang Super Mario Sunshine, at halatang nagtitipid sila dahil si Sunshine Cruz lang ang kinuha nila na endorser, samantalang pwede naman nilang kunin ang mas sikat na artistang si Romy Diaz (na bagay na bagay sa game, dahil kamukha sya talaga ni Super Mario).
8. Pokemon Yellow - sikat na sikat ang larong ito sa mga kabataang lalake, dahil ang mga batang lalake ay sabik sa Pokemon Yellow. Ayaw nila ng Pokemon Red kasi yuck naman so kadiri that game. Medyo gusto nila yung Pokemon Black and White kasi pag black and white, ibig sabihin classic. At kapag classic, ibig sabihin sosyal. Gustong gusto ng mga tao ang pokemon sosyal.
7. Metal Gear Solid - paborito ko ang larong ito dahil ang bida ay nagngangalang Solid Snake. Sa tagalog, Tigas Ahas. Isa syang clone. Yung original na pinanggalingan nya ay tinatawag na Big Boss. Boss na, big pa. Hindi nakakapagtaka na solid ang snake niya. Stealth game nga pala to, ibig sabihin hindi mo mapapagkamalang game siya. Akala mo pelikula lang kasi mas mahaba pa cutscenes sa gameplay.
6. Tekken 5 - Bakbakan tong larong ito. Sigurado ako na may istorya yung laro at lahat nung characters ay may meaningful na backstory, pero hindi importante yun. Kung gusto mo ng istorya, magbasa ka ng libro or maglaro ng Metal Gear Solid. Pag binuksan mo ang Tekken 5, ang habol mo lang ay bakbakan. Lahat ng buttons sa controller, pang bakbakan lang. Kahit yung start button, pag pinindot mo sumusuntok pa rin yung character mo.
5. Bomber Man - usong-uso ang larong ito nung 1980s. Sa sobrang popular ng laro ay marami sa mga magagaling na players ang naging sikat na artista nung dekadang iyon. Nagkaron sila ng mga career sa pinilakang tabing, kung saan sila ay tinawag na mga Bomba Stars.
4. NBA Jam - basketball game. Pero pwedeng ipalaman sa tinapay. Bakit? Dahil masarap.
3. Yuu Yuu Hakusho: Sunset Fighters - fighting game base sa popular na anime na Ghost Fighter. Bakit tinawag na Sunset Fighters? Dahil lumalabas lang ang kanilang powers paglubog ng araw. Sila ang japanese version ng mga aswang. Nakita ko dati is Taguro nahati yung katawan parang manananggal, tapos nakita ko rin si Alfred na ang pangit nung buhok kamukha nung kaklase ko dati sa high school na feeling pogi pero mukha namang paa.
2. Ms. Pac-Man - arcade game kung saan cocontrolin mo si Jinky, yung asawa ni Manny Paquiao. May sequel din to, tungkol naman sa mga anak na lalake ni Paquiao. Ang pamagat Pac Boys.
1. Final Fantasy - hindi ko pa actually nalalaro ito dahil natatakot akong simulan. Dahil final na sya. Ibig sabihin, pag natapos ko to, hindi na ko magkakaroon ng fantasy? Pero kung based nga ito sa aking huling pantasya, sigurado ako na ang game ay tungkol sa isang istorya kung saan bibisitahin ako ni Brie Larson sa kwarto tapos magdamag niya akong babasasahan ng X-Men comic books, hanggang sa makatulog ako.